^

Probinsiya

4 batang mag-aaral nilamon ng tubig

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Maagap na sinikwat ni kamatayan ang apat na batang mag-aaral makaraang malunod sa ilog sa magkahiwalay na trahedya sa mga lalawigan ng Albay at Cebu kamakalawa.

Dalawa sa batang mag-aaral na sina Lin Andrey Panganiban, 10, Grade 5; at Mark Niño Ragual, 10, Grade 4, kapwa estudyante ng Lanigay Elementary School ay nalunod habang naliligo sa Nakaskasan River sa Barangay Lanigay, Polangui, Albay.

Natagpuan ang bangkay ng dalawa dakong alas-12: 45 ng tanghali na malalim na bahagi ng nasabing ilog.

Ayon sa pulisya, sina Pa­nganiban at Ragual kasama ang ilang kaklase ay nagkayayaang maligo sa nasa­bing ilog.

Samantala, si Wisey Lipascua, 9, Grade 3 sa Lagtang Elementary School ay nalunod naman sa ilog sa Campo 3, Talisay City, Cebu noong Linggo ng hapon.

Kasunod nito, nalunod naman ang biktimang si Julie Ann Duremon, 10, sa Borromeo Beach Resort sa Barangay Pooc, Talisay City, Cebu.

Tulad ni Lipascua na idineklarang patay matapos isugod sa ospital ay namatay din si Duremon habang isinusugod sa pagamutan, ayon kay SPO1 Mikie Espina. Freeman News Service

vuukle comment

ALBAY

BARANGAY LANIGAY

BARANGAY POOC

BORROMEO BEACH RESORT

CEBU

FREEMAN NEWS SERVICE

JULIE ANN DUREMON

LAGTANG ELEMENTARY SCHOOL

LANIGAY ELEMENTARY SCHOOL

TALISAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with