^

Probinsiya

9-anyos nilapa ng aso, dedo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masaklap na kamata­yan ang sinapit ng 9-anyos na nene matapos itong lapain ng mabangis na asong Belgian Malinois sa Barangay Pasonanca, Zamboanga City noong Lunes ng hapon.

Idineklarang patay sa Western Mindanao Medical Center ang biktimang si Mariane Gonzales, Grade IV pupil sa Pasonanca Elementary School at nakatira sa Barangay Cabatangan.

Ang biktima ay nagtamo ng grabeng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan partikular na sa leeg at balikat na naging sanhi ng kaniyang kamatayan.

Sa phone interview, sinabi ni PO1 Ladja Alwasser, naganap ang insi­dente sa bahagi ng Summer Hill Subdivision dakong alas- 4:30 ng hapon.

Kasalukuyang naglalakad pauwi ang biktima kasama ang tatlo pang batang mag-aaral nang makawala sa  pagkakatali ang mabangis na  Belgian Malinois nang ilabas ito sa gate upang pakainin ng dog handler na sina Joel Canete at Arjay Sebreste.

Nabatid na nalagot ang tali sa leeg ng aso matapos itong magwala at nagkataon namang naglalakad ang apat na bata sa nasabing lugar.

Hinabol ng aso ang mga bata kung saan ang biktima ang inabutan matapos itong madapa at mahulog ang isang paa sa kanal.

Dito na sinakmal sa  leeg at nilapa  ng matatalim na pangil  ang bata.

Nagkataon namang nasa Maynila ang may-ari ng aso na si Geolar Tan kung saan ang mga tagapangalaga nitong sina Canete at Sebrestre ang inaresto ng pulisya.

Sa kasalukuyan, ayon kay Alwasser ay hinihintay pa nila ang mga magulang ng biktima kung desididong kasuhan ang may-ari  ng aso at dalawang caretaker nito.

vuukle comment

ARJAY SEBRESTE

BARANGAY CABATANGAN

BARANGAY PASONANCA

BELGIAN MALINOIS

GEOLAR TAN

JOEL CANETE

LADJA ALWASSER

MARIANE GONZALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with