^

Probinsiya

Mister dinukot, pinatay

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Patay ang isang mister nang bistayin ng bala ng tatlong mga armadong salarin matapos na dukutin sa kanilang tahanan sa Sitio La-ao, Brgy. Nabasagan, Claveria, Masbate.

Nakilala ang biktima na si Reynaldo Segarino aka ‘Loklok’, 49, may asawa, magsasaka at residente ng Sitio Bodega, Barangay Pasig, Calveria, Masbate. Isa naman sa mga suspek ay kinilalang si Jessie Pagadora at dalawa pang hindi nakilalang suspek.

Ayon sa ulat ng pulisya ang insidente ay naganap dakong alas-4:30 ng hapon habang ang biktima ay nakikipagkuwentuhan sa kaniyang pamilya sa loob ng kanilang tahanan nang pasukin ng mga suspek na lulan ng motorsiklo na dumating sa lugar.

Walang nagawa ang biktima ng tutukan ng baril saka kaladkarin ng mga suspek na pinagbabaril gamit ang cal. 45 pistol sa lugar na pinagdalhan dito at iniwang nakabulagta ang bangkay sa tabi ng kalsada. Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa kasong ito.

 

vuukle comment

AYON

BARANGAY PASIG

BRGY

CALVERIA

CLAVERIA

JESSIE PAGADORA

MASBATE

REYNALDO SEGARINO

SITIO BODEGA

SITIO LA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with