^

Probinsiya

Mister nagbaril ng shotgun sa harap ng anak

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

Tuguegarao City , Philippines - Nasa state of shock ngayon ang isang 9 anyos na batang la­laki matapos magpatiwakal sa kaniyang harapan ang lasing na ama na pinaputok ang shotgun sa kaniyang bibig sa bayan ng Vintar, Ilocos Norte kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Efren Butac, agad na nasawi sa tinamong tama ng  bala ng 12 gauge shotgun sa kaniyang bibig na sumabog pa ang ulo sa insidente.

Isinugod naman sa ospital ang batang si Edmund na tinamaan ng shrapnel sa kanang balikat.

Sa inisyal na ulat ng Ilocos Norte Police, la­sing na umuwi si Efren bandang alas-4 ng hapon at tinawag pa ang anak na si Edmund.

Laking gulat naman ng bata ng biglang kalabitin ni Efren ang shotgun na isinubo pa nito sa kaniyang bunganga bunsod upang sumabog ang ulo ng lasing na ama.

Nabatid na bago ang insidente ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng kaniyang hipag.

 Pinaniniwalaan namang matinding problema sa pamilya ang motibo ng pagpapatiwakal ng nasabing biktima.

 

vuukle comment

EDMUND

EFREN

EFREN BUTAC

ILOCOS NORTE

ILOCOS NORTE POLICE

ISINUGOD

KINILALA

NABATID

PINANINIWALAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with