^

Probinsiya

Driver utas sa karambola

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY , Philippines - Sa halip na kasiyahan ay pagluluksa  sa Bagong Taon ang idinulot ng senglot na tricycle driver na nasawi matapos na masangkot sa karambola ng tatlong sasakyan sa tapat ng punerarya sa kahabaan ng Highway sa Barangay Tarinsing sa bayan ng Cordon, Isabela kamakalawa.


Kinilala ni P/Supt. Vicente Valdez ang biktima na si Richard Yanus, 26, ng Barangay Turod Norte sa nabanggit na bayan.


Sa imbestigasyon, pauwi na ang biktima mula sa inuman nang makipagkarera ito sa kotse na minamaneho ni Giovanni Corpuz, 39, ng Taguig City.


Nabatid na nabitin ang biktima sa pag-overtake sa kotse at sa kalasingan ay nasagi ang likuran ng sasakyan kaya tumalsik sa kabilang linya ng kalsada.

Dito na tinumbok ng traysikel ang kasalubong na isa pang rumaragasang kotse ni Rhino Sabuero ng Brgy. Cabugao, Echague.


Namatay ang biktima sa ospital habang nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang kotse habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon.

 

vuukle comment

BAGONG TAON

BARANGAY TARINSING

BARANGAY TUROD NORTE

BRGY

CABUGAO

GIOVANNI CORPUZ

RHINO SABUERO

RICHARD YANUS

TAGUIG CITY

VICENTE VALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with