^

Probinsiya

Lider ng YFC ni-rape slay ng adik

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hubo’t hubad na natagpuang patay ang 19-anyos na lider ng Youth for Christ (YFC) na pinaniniwalaang hinalay muna bago pinaslang ng di-kilalang lalaki na sinasabing adik sa bawal na droga sa bahagi ng Sta. Rosa City, Laguna noong Miyerkules.

Sa police report, ang biktimang si Riza Baybay ay tadtad ng mga gasgas at pasa sa katawan kung saan ginilitan pa at may mga tama rin ng saksak sa kaniyang hita.

Bandang alas-9 ng umaga noong Miyerkules nang madiskubre ang duguang katawan ng biktima sa madamong bahagi sa bakanteng lote sa Barangay Sta Cruz sa nasabing lungsod.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, ang biktima ay inireport ng lola nitong si Ursula Baybay na umalis sa kanilang tahanan noong Enero 1 ng umaga upang magtungo sa bahay ng kaibigan kaugnay ng salu-salo sa Bagong Taon.

Gayon pa man, nabigong makauwi ang biktima hanggang sa madiskubre ang mapait nitong sinapit kamakalawa.

Isasailalim sa post-mor­tem examination ang bangkay ng biktima para madetermina kung hinalay ito bagaman may mga indikasyon dahil hubo’t hubad ito ng matagpuan sa crime scene.

Posible rin mga bangag sa bawal na droga ang nasa likod ng krimen, ayon pa sa pulisya habang patuloy ang imbestigasyon.

 

vuukle comment

BAGONG TAON

BANDANG

BARANGAY STA CRUZ

CAMP CRAME

ENERO

GAYON

MIYERKULES

RIZA BAYBAY

ROSA CITY

URSULA BAYBAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with