^

Probinsiya

Bagong silang na sanggol itinapon sa ilog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bagong silang na sanggol na putol ang ulo na halos humiwalay ang kaliwang hita ang natagpuang lumulutang sa Butuanon Ri­ver, Brgy. Maguikay, Man­daue City, Cebu kamakalawa.

Sa ulat ng Cebu Police, bandang alas-8 ng umaga ng madiskubre ang bangkay ng sanggol na lumulutang sa naturang ilog matapos itong ireport ng isang concerned citizen.

Agad namang nagres­ponde ang Emergency and Rescue Unit Foundation at narekober ang bangkay ng sanggol na lumulutang sa ilog.

Ayon sa ulat nakakabit pa ang ‘umbilical cord’ ng nasabing sanggol na tinatayang isa o hanggang dalawang araw pa lamang na ipinanganak.

Sa pahayag ng mga rescuers, posibleng ang malakas na agos ng tubig sa ilog na humahampas sa may batuhan ang sanhi ng pagkaputol ng ulo ng sanggol at halos paghiwalay ng kaliwang hita nito.

Samantalang kasalukuyan ng pinaghahanap ng Women’s and Children’s Protection Desk ng Mandaue City Police ang ina ng sanggol na posibleng nagtapon sa ilog sa biktima.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

BUTUANON RI

CEBU

CEBU POLICE

EMERGENCY AND RESCUE UNIT FOUNDATION

ISANG

MAGUIKAY

MANDAUE CITY POLICE

PROTECTION DESK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with