17-anyos inutas ng mga adik
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napaslang ang 17-anyos na binatilyo matapos gulpihin at saksakin ng grupo ng mga kabataang adik sa bawal na droga sa Barangay Sto. Cristo, Tabaco City, Albay kahapon ng madaling-araw. Hindi na umabot pa ng buhay sa Ziga Memorial District Hospital ang biktimang si Mervin Bejo ng Purok 6 sa Bonto Boulevard. Samantala, tinutugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Jeric Pura, 23; Ryan Belen, 18; Nestor Fernandez Jr., 18; Daryl Gonzales, 18; at dalawang menor-de-edad na kinilala lamang sa alyas Nognog at Pingig. Lumilitaw na papauwi na ang biktima nang makasalubong at pagtulungan gulpihin ng mga suspek na sinasabing lango sa alak at droga.
- Latest