^

Probinsiya

Trader pisak sa trak

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines - Napisak ang katawan at namatay noon din ang 56-anyos na negosyante matapos na bumang­ga ang sinasakyan nitong kotse sa tagiliran ng trak sa Barangay Sto. Cristo sa bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng hapon. Umabot pa halos isang oras bago nakuha ng mga rescue team ang naipit na katawan ng biktimang si Renato Magtibay ng Lucena City, Quezon. Ayon kay PO3 Pedrito Mendoza, dakong alas-5 ng hapon ay nakita ng mga saksi ang kotse ng biktima na Mitsubishi (VAD-157) ay tinatahak ang kahabaan ng highway nang mawalan ito ng kontrol at bumangga sa tagiliran ng kasalubong na trak (HVT-363) ni Jodel Espina ng Leyte. Nakaladkad pa ng may ilang metro ang kotse hanggang sa tuluyan itong pumailalim sa trak sa pagnanais ng driver na umiwas sa mas malaking pinsala.

vuukle comment

AYON

BARANGAY STO

CRISTO

JODEL ESPINA

LEYTE

LUCENA CITY

MITSUBISHI

PEDRITO MENDOZA

QUEZON

RENATO MAGTIBAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with