^

Probinsiya

2 guro itinumba

Joy Cantos at Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang guro ang nasawi matapos pagbabarilin, isa rito ay kagagawan ng motorcycle riding-in-tandem sa magkakahiwalay na insidente sa Lian, Batangas at Donsol, Sorsogon nitong Biyernes ng gabi.

Iniulat ng Batangas Police, dead-on-the-spot ang gurong si Apolinario Madrigal, 55-anyos, residente ng Brgy. Bungaan, Lian, Batangas, guro sa IBCMI College sa Nasugbu, Batangas matapos na pagbabarilin ng motorcycle riding-in-tandem sa Brgy. Poblacion, Lian bandang alas-7 ng gabi.

Kasalukuyang naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang tahanan ng biglang sumulpot ang mga salarin at pagbabarilin ito hanggang sa duguang bumulagta.

Sa pahayag ng anak ng biktimang si Erik Madrigal, posible umanong alitan sa lupa ang motibo ng pamamaslang sa kaniyang ama kung saan pinaghahanap na ng pulisya ang mga salarin.

Sa isa pang insidente, patay rin ang gurong si Dominador Alcaras, 49-anyos matapos na pagbabarilin ng kaniyang sariling bayaw sa Brgy. Bororan, Donsol, Sorsogon.

Dakong alas-6:45 ng gabi habang ang biktima ay nakatayo sa harapan ng bahay ng kaibigan nito ng pagbabarilin ng bayaw na si Anastacio Aviso.

Nagawa pang maisugod ang biktima sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital pero nabigo ng maisalba ang buhay nito. Iniimbestigahan pa ang motibo ng pamamaslang.

 

vuukle comment

ANASTACIO AVISO

APOLINARIO MADRIGAL

BATANGAS

BATANGAS POLICE

BICOL REGIONAL TRAINING AND TEACHING HOSPITAL

BRGY

DOMINADOR ALCARAS

DONSOL

ERIK MADRIGAL

LIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with