^

Probinsiya

Misis hinalay ng pulis

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Isa na namang pulis na tauhan ni P/Supt. Marcos Rivera sa bayan ng San Miguel ang nahaharap sa kasong kriminal matapos nitong gahasain ang 28-anyos na misis sa loob ng motel sa bayan ng San Ildefonso, Bulacan noong Martes (Nob.13)

Luhaang dumulog sa provincial investigation and detective management branch sa Camp Alejo Santos ang biktimang iti­nago sa pangalang Dindin para magsampa ng kaukulang kaso laban sa suspek na si P03 Eduardo Oceña, 35.

Base sa ulat ng women’s and children complaint desk,  nag-text ang suspek sa biktima noong Nobyembre 13 para makipagkita kaugnay sa ipinalabas na subpoena mula sa korte.

Nakipagkita naman ang biktima para kunin ang subpoena sa suspek subalit dinala siya sa isang motel sa nasabing bayan kung saan naisagawa ang maitim na balak.

Matapos ang panghahalay ay dinala ng suspek ang biktima sa isang bayan ng Ilocos kung saan ito itinago.

Nakatakas lamang ang biktima pagsapit sa Barangay Dau, Angeles City, Pampanga matapos na muli silang bumalik sa bayan ng San Miguel, Bulacan.

vuukle comment

ANGELES CITY

BARANGAY DAU

BULACAN

CAMP ALEJO SANTOS

DINDIN

EDUARDO OCE

ILOCOS

MARCOS RIVERA

SAN ILDEFONSO

SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with