^

Probinsiya

Ina gulpi-sarado sa anak

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Ospital ang binagsakan ng 50-anyos na ina matapos itong gulpihin ng sariling anak na lalaki kamakalawa ng tanghali sa Brgy. Palasan sa bayan ng Burdeus, Quezon. Ang biktima na nagtamo ng mga pasa at  bugbog sa ibat-ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Rosalinda Ritual habang tinutugis na ng pulisya ang suspek na si Reymar Ritual, 25, may-asawa, ng nasabing lugar. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na bumisita sa bahay ang kanyang ina ang suspek na lango sa alak at agad itong humingi ng pera. Wala namang maibigay na pera ang biktima sa kanyang anak kaya nagalit ito at pinagpapalo ng tubo ang sariling ina. Hindi pa nasiyahan, kumuha ng dos por dos ang suspek at hinataw pa ang ina kung saan tinangka pang saksakin kaya lamang ay nakatakbo palabas ng kanyang bahay ang matanda at nakahingi ng tulong sa mga barangay tanod.

vuukle comment

BRGY

BURDEUS

INA

KANYANG

OSPITAL

PALASAN

QUEZON

REYMAR RITUAL

ROSALINDA RITUAL

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with