^

Probinsiya

Karnaper timbog

Francis Elevado - Pilipino Star Ngayon

CAMARINES NORTE , Philippines – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang hinihinalang  notoryus na karnaper na umano’y responsible sa sunud-sunod na nakawan ng mga motorsiklo sa isinagawang operasyon sa Buhi, Camarines Sur kamakalawa .

Kinilala ang suspek na si Arjay Boy Jacinto, residente ng Bula, Camarines Sur.  Nabatid na nakilala ng ilang mga naging biktima ng suspek kaya’t agad na ipinagbigay alam sa mga awtoridad ang kinaroroonan nito na nagresulta sa kaniyang pagkakadakip.

Inamin naman ng suspek na umaabot na sa 7 motorsiklo ang kinarnap nito na kung saan kasama ang isang nagngangalang John George Magasala alyas “kabayo” residente ng Brgy Igualdad, Naga City ang itinuturo nito na diumano siyang utak ng kanilang modus operandi.

Nabatid na ang suspek ay sangkot sa serye ng nakawan ng motorsiklo sa Camarines Sur at Naga City.

Patung-patong na kasong kriminal ang kakaharapin ng suspek habang patuloy naman tinutugis ng mga awtoridad ang mga kasamahan nito na nambibiktima sa rehiyong Bikol.

vuukle comment

ARJAY BOY JACINTO

BIKOL

BRGY IGUALDAD

BUHI

BULA

BUMAGSAK

CAMARINES SUR

JOHN GEORGE MAGASALA

NABATID

NAGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with