^

Probinsiya

Marines vs Abu: 5 bulagta

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lima-katao kabilang ang tatlong Marines ang iniulat na napatay habang 10 iba pa ang nasugatan matapos ang sagupaan ng mga bandidong Abu Sayyaf Group at mga sundalo ng Phil. Marines sa liblib na bahagi ng Barangay Bakong sa bayan ng Patikul, Sulu kahapon ng umaga.

Ayon kay Lt. Col. Randolph Cabangbang, tagapagsalita ng Western Minda­nao  Command, nagsasagawa ng search operations ang tropa ng Marines Batta­lion Landing Team 6 kaugnay sa  presensya ng pagdukot ng grupo nina Tahil Sali at Radullah Sahiron ng Abu Sayyaf Group sa isang biktima nang sumiklab ang sagupaan bandang alas-6:30 ng umaga.

Isa sa dalawang bandidong napatay ay nakilalang si alyas  Kaisar habang tatlong sundalo ay pansamantalang hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan hanggang hindi naipaabot sa kani-kanilang pamilya.

Kasunod nito, ipinag-utos ni Major Gen. Rey Ardo ang deployment ng naval at air assets ng command para makatulong sa patuloy na pagtugis sa mga bandido.

 

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

BARANGAY BAKONG

LANDING TEAM

MAJOR GEN

MARINES BATTA

RADULLAH SAHIRON

RANDOLPH CABANGBANG

REY ARDO

TAHIL SALI

WESTERN MINDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with