Holdap sa LBC nasilat ng 2 kawani
- Joy Cantos (The Philippine Star) - September 23, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Nasilat ng dalawang matapang na kawani ng LBC ang panghoholdap ng riding-in-tandem matapos na maagaw ang baril ng mga holdaper sa ba­yan ng San Francisco, Agusan del Sur noong Biyernes.

Bandang alas-11:55 ng umaga nang pasukin ng dalawang armadong holdaper  ang sangay ng LBC courier at remittance center sa Barangay Poblacion.

Agad nagdeklara ng holdap ang dalawa kung saan ipinalalagay sa bag ang pera sa teller ng LBC.

Hindi naman nasiraan ng loob ang da­lawang kawaning lalaki na itinago sa pangalang Roy at John  para na rin sa kanilang seguridad kung saan nakipagpambuno sa mga holdaper hanggang sa maagaw ang cal. 45 pistol ng isa sa mga ito.

Bunga nito ay nagpanik ang dalawang holdaper na mabilis tumakas sakay ng motorsiklo na walang plaka na tumahak patungo sa direksyon ng Barangay Bitan-agan ng bayan ng San Francisco.

Nabigo rin ang mga holdaper na matangay ang pera ng LBC sa pagmamadaling tumakas kung saan inilatag na ang follow-up ope­ration ng pulisya.

AGUSAN BANDANG BARANGAY BITAN BARANGAY POBLACION BIYERNES BUNGA HOLDAPER NABIGO NASILAT SAN FRANCISCO
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with