^

Probinsiya

Coed minolestiya ng dean

- The Philippine Star

CEBU CITY – Nalalagay sa balag ng alanganing makulong ang 50-anyos na dean ng state-run university sa Cebu City matapos itong kasuhan ng pangmomolestiya ng 16-anyos na estudyanteng babae sa loob ng motel sa Mandaue City, Cebu noong Miyerkules ng hapon (Agosto 29). Kinilala ang suspek na si Cornelio Duazo, dean ng College of Engineering sa Cebu Technological University.

Si Duazo na nag-resign na sa nasabing kolehiyo noong Lunes ay nahaharap kasong acts of lasciviousness na isinampa ng biktima sa Mandaue City Prosecutor’s Office noong Lunes. Itinanggi naman ni Duazo ang akusasyon ng biktimang mechanical engineering student.

Sa pagsisiyasat ni SPO2 Rowena Peñaflor ng Women’s Desk ng Subangdaku Police Station, naglalakad ang biktima patungong eskuwelahan ng imbitahan ni Duazo na sumabay na lamang sa kanya patungong school pagsapit sa North Bus Terminal.

Dahil sa kakulitan ni Duazo ay napilitang sumakay ng kotse ang biktimang tumatangging sumabay.

Gayon pa man, nagulat ang bikttima nang dalhin siya sa motel sa North Reclamation area.

Napag-alamang din na nanatili naman ang biktima sa loob ng kotse kahit na inutusan siya ng suspek na sumunod sa kuwarto ng motel.

Dito na nagalit ang suspek at pinalabas na lamang siya sa kotse. Freeman News Service

vuukle comment

CEBU CITY

CEBU TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

COLLEGE OF ENGINEERING

CORNELIO DUAZO

DUAZO

FREEMAN NEWS SERVICE

MANDAUE CITY

MANDAUE CITY PROSECUTOR

NORTH BUS TERMINAL

NORTH RECLAMATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with