^

Probinsiya

Usurero itinumba sa panaderya

- Raymund Catindig - The Philippine Star

TUGUEGARAO CITY- Sa ikalawang pagkakataon ay hindi na nakaligtas sa salubong ni kamatayan ang 32-anyos na lalaki matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem sa panaderya sa Canciller Avenue, Barangay District 1, Cauayan City sa Isabela kahapon ng tanghali. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Regie Openia ng Barangay San Francisco sa nasabing lungsod. Lumalabas sa imbestigasyon na nagmemeryenda ang biktima sa panaderya nang lapitan at ratratin. Ayon sa salaysay ng pinsang si Roberto Asis, nakaligtas sa unang pagtatangka sa buhay ng biktima matapos itong pagbabarilin din ng mga di-kilalang lalaki noong Agosto 2012. Nabatid na nagpapautang ng patubuan ang biktima kaya sinisilip ng mga imbestigador kung may kaugnayan sa kanyang pagkamatay.

vuukle comment

AGOSTO

AYON

BARANGAY DISTRICT

BARANGAY SAN FRANCISCO

CANCILLER AVENUE

CAUAYAN CITY

ISABELA

LUMALABAS

NABATID

REGIE OPENIA

ROBERTO ASIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with