^

Probinsiya

Foreman itinumba ng tauhan

- Tony Sandoval - The Philippine Star

QUEZON, Philippines - Pinaniniwalaang  selos ang isa sa motibo kaya pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang 36-anyos na foreman ng kanyang tauhan habang ito ay natutulog sa bahay ng isa nilang katrabaho sa Barangay Balubal ng bayan ng Sariaya, Quezon, kamakalawa ng gabi.  

Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Sanny Custodio, 36, foreman ng EEI Construction Corp. at nakatira sa Barangay Mamatid, Cabuyao, Laguna habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Edwin Quia, 32, ng Batangas City, Batangas.  

Ayon kay PO3 Pedrito Mendoza, dakong alas-5 ng hapon nang dumating ang biktima sa bahay ni Genercito Brunio kasama ang misis ng suspek na si Olivia at isa pang lalaki.

Nag-inuman ang mga ito at nakatulog ang biktima subalit nagising ang misis ni Quia sa ingay sa loob ng sala kung saan namataang tumatakbo palabas ng bahay ang kanyang mister na duguan ang mga damit.

Natuklasan din ni Olivia na ang biktima ay naliligo sa sariling dugo sa sofa at may tama sa dibdib.

May teorya ang pulisya na nagselos ang suspek sa biktima dahil namataan nito na magkalapit ang kanyang misis habang nag-iinuman.

vuukle comment

AYON

BARANGAY BALUBAL

BARANGAY MAMATID

BATANGAS

BATANGAS CITY

CONSTRUCTION CORP

EDWIN QUIA

GENERCITO BRUNIO

PEDRITO MENDOZA

SANNY CUSTODIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with