^

Probinsiya

2 pinabulagta ng pekeng courier

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines – Dalawa magsasaka ang iniulat na pinabulagta habang sugatan naman ang dalawang iba pa matapos na pagbabarilin ng di-kilalang lalaki na nagpanggap na courier ng package sa Barangay Victoria sa ba­yan ng San Remigio, Cebu noong Sabado ng gabi.

Si Teodoro Remando, 53, ay nagtamo ng tatlong tama ng bala sa likuran habang si Roland Dacayana, 49, ay tinamaan naman sa ulo at kapwa idinekla­rang patay sa Bogo Provincial Hospital.

Sugatan ang ka-live-in ni Dacayana na si Celadel Marianito, 32, at ang 17-anyos nitong apo na si Teodoro Remando Jr., kapwa inilipat sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City.

Batay sa ulat, pasado alas-8 ng gabi nang kumatok sa tahanan ng mga Remando ang lalaking nagpanggap na courier ng package at ihahatid para sa matandang Remando.

Kasalukuyang nanonood ng telebisyon ang magka-live-in at ang 17-anyos na binatilyo nang kumatok ang gunman kung saan hinahanap si Teodoro para sa package.

Gayon pa man paglabas ng biktima sa kaniyang silid sa ikalawang palapag ng 2 storey house ay agad itong pinagbabaril ng gunman.

Duguang bumulagta si Teodoro at nadamay naman si Dacayana na tinamaan sa ulo habang sugatan naman ang da­lawa. Dagdag ulat ng Freeman News Service

vuukle comment

BARANGAY VICTORIA

BOGO PROVINCIAL HOSPITAL

CEBU CITY

CELADEL MARIANITO

DACAYANA

FREEMAN NEWS SERVICE

REMANDO

ROLAND DACAYANA

SAN REMIGIO

SI TEODORO REMANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with