^

Probinsiya

Mister kinalasan ng misis, nagbigti

- Tony Sandoval - The Philippine Star

QUEZON, Philippines   – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 38-anyos na mister na iniwan ng kanyang misis matapos itong magbigti sa kisame ng kanilang bahay sa Barangay Sto. Cristo sa bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng madaling-araw. Ayon kay PO3 Pedrito Mendoza, dakong alas-4 ng madaling araw nang natuklasan ng kanyang mga kaanak na nakabitin sa kisame ng kusina ang biktimang si Bernie Umali na isang karpintero. Bago ang pagpapatiwakal ay nakipag-inuman muna ang biktima sa kanyang mga kapitbahay kung saan naikuwento nito na masyado siyang nalungkot dahil sa pakikipaghiwalay ng asawa. Kinumbinse naman ito ng kanyang mga kaibigan na lakasan ang loob at makakakita pa ito ng makakasama sa buhay subalit iginiit nito na magpapakamatay na lamang siya.

vuukle comment

AYON

BARANGAY STO

BERNIE UMALI

CRISTO

KANYANG

KINUMBINSE

KUSANG

PEDRITO MENDOZA

QUEZON

SARIAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with