^

Probinsiya

Mag-asawang trader bulagta sa holdaper

- Ed Casulla - The Philippine Star

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  – Napaslang ang mag-asawang negosyante matapos pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan na sinasabing mga holdaper sa bahagi ng Sitio Cogon, Barangay Buracan sa bayan ng Dimasalang, Masbate kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mag-asawang biktima na sina Rolly Manimog, 47; at Fe Manimog, 45, ng Sitio Masisi, Barangay G. Alino sa nabanggit na barangay.

Lumilitaw na papauwi na ang mag-asawang lulan ng motorsiklo mula sa Barangay Buenaflor nang harangin at ratratin ng mga armadong kalalakihan bandang alas-4 ng hapon.

Napag-alamang tina­ngay ang bag ng misis na naglalaman ng malaking pera at alahas bago nagsitakas ang mga armadong lalaki.

May posibilidad na inabangan ang mag-asawa na kalimitang dumaraan sa nasabing highway kaya isinagawa ang krimen.

vuukle comment

ALINO

BARANGAY BUENAFLOR

BARANGAY BURACAN

BARANGAY G

DIMASALANG

FE MANIMOG

LEGAZPI CITY

ROLLY MANIMOG

SITIO COGON

SITIO MASISI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with