^

Probinsiya

Jeepney nahulog sa bangin: 1 patay, 11 sugatan

- Tony Sandoval - The Philippine Star

SAN ANDRES,QUEZON , Philippines – Patay agad ang isang obrero habang 11 pa ang nasugatan matapos na aksidenteng mahulog sa malalim na bangin ang kanilang sinasakyang pampasaherong jeepney  sa Brgy. Camflora ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Nabasag ang bungo at nagkabali-bali ang katawan ng nasawing biktimang si Domingo Dellosa habang ginagamot naman sa Municipal Health Center ang iba pang sugatang pasahero na sina Potenciano Opiar, 48, Mariafe Menio, 42, James April Menio, 1, Eduardo Mandal, 43, Dominic Sabio, 17, Edgar Rugaya, 24, Russel Nate, 23, Lorie Sta. Maria, 29, Gumar Loon, 16, Nilo Peros, 15 at Albert Pegue, 16 na pawang mga residente ng nasabing bayan.

Ayon kay PO2 Ronnie Cataquiz, dakong alas-2-30 ng hapon ay sakay ng passenger jeep ( DLG-382 ) ang mga biktima at minamaneho ni Restituto Presas patungo sana sa kabayanan nang mangyari ang sakuna.

Kasalukuyang bumabagtas sa pakurbadang highway ang jeepney nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver bunsod upang bumulusok sa bangin ang sasakyan.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang kasong ito.

vuukle comment

ALBERT PEGUE

DOMINGO DELLOSA

DOMINIC SABIO

EDGAR RUGAYA

EDUARDO MANDAL

GUMAR LOON

JAMES APRIL MENIO

LORIE STA

MARIAFE MENIO

MUNICIPAL HEALTH CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with