Holdaper tumba sa shootout

CAVITE, Philippines – Napatay ang isa sa tatlong holdaper matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napatay na si Richard Armillo, 28, tricycle driver, ng Block 28, Lot 6, Barangay Yakal sa bayan ang Silang, Cavite. Sa ulat ni PO2 Aaron V. Abesamis, bago maganap ang shootout ay hinoldap ng grupo ni Armillo ang negosyanteng si Loreta Garcia sa nabanggit na barangay. Gayon pa man, humingi ng saklolo si Garcia sa pulisya kaya ini­latag ang operasyon laban sa mga holdaper. Namataan naman ng pulisya ang grupo ni Armillo na lulan ng traysikel kung saan imbes na sumuko ay nakipagbarilan. Nakatakas naman ang dalawang kasama ni Armillo.

 

Show comments