^

Probinsiya

2 trabahador nilikida ng kabaro

- Tony Sandoval - The Philippine Star

QUEZON, Philippines  - Halos maputol ang leeg at kapwa namatay ang dalawang trabahador sa farm matapos na karitin at saksakin ng kapwa trabahador sa Sitio pulo, Barangay Banglos ng bayan ng General Nakar, Quezon, kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Michael Chavez, 27, ng Barangay Ca­tamblingan; at Josie Sta. Ana, 27, ng Barangay Pamplona habang naaresto naman ang suspek na si Paulo Llaneta, 40, ng Ragay, Camarines Sur. Sa imbestigasyon ni PO2 Mhadelick Astejada, dakong alas-2 ng hapon ay magkakasamang nag-aani ng mga prutas ang mga biktima at suspek sa farm na pag-aari ni Engr. Vengie Villanueva. Sa hindi malamang kadahilanan ay bigla na lamang sinaksak ng suspek si Michael at kinarit pa ang leeg. Upang itago ang krimeng ginawa ay hinila ng suspek ang bangkay ng biktima sa damuhan subalit nakita siya ni Josie. Sinaksak din si Josie at kinarit din ang leeg hanggang mamatay at nagtangkang tumakas subalit nainguso siya ng iba pang kasamahan sa pulisya.

 

vuukle comment

BARANGAY BANGLOS

BARANGAY CA

BARANGAY PAMPLONA

CAMARINES SUR

GENERAL NAKAR

JOSIE STA

MHADELICK ASTEJADA

MICHAEL CHAVEZ

PAULO LLANETA

VENGIE VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with