^

Probinsiya

Anak tinodas ni tatay

- Tony Sandoval - The Philippine Star

LUCENA CITY, Quezon, Philippines  - Napaslang ang 21-anyos na anak na lalaki matapos pagbabarilin ng sariling ama na retiradong pulis sa loob ng kanilang tahanan sa Purok Maligaya, Barangay Ibabang Dupay sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng hapon. Sa ospital na namatay ang biktimang si Medgard Virtucio samantalang naaresto naman ang suspek na si retired policeman Miguel Virtucio na kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon nina PO2 Nestor Lumanglas at PO2 Jefferson Tamaray, naganap ang pamamaril dakong alas-2 ng hapon matapos makipagtalo ang biktima sa kanyang ama. Nauwi sa pambuno ang mag-ama hanggang sa pumasok sa kuwarto ang suspek kung saan pagbalik ay niratrat na ang kanyang anak. Nanlumo naman ang suspek nang makitang duguan ang kanyang anak na lumagapak sa sahig.

vuukle comment

BARANGAY IBABANG DUPAY

JEFFERSON TAMARAY

LUCENA CITY

MEDGARD VIRTUCIO

MIGUEL VIRTUCIO

NANLUMO

NAPASLANG

NESTOR LUMANGLAS

PUROK MALIGAYA

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with