^

Probinsiya

Trader patay sa payroll robbery

- Joy Cantos - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Patay ang isang negos­yante matapos itong pagsasaksakin nang pumalag sa kaniyang dating empleyado na nanloob dito ng P170,000 halaga ng payroll sa naganap na krimen sa Calamba City, Laguna nitong Huwebes ng gabi.

Sa ulat ni Calamba City Police Director P/Supt.Leovi­gildo Manaig, ang biktimang si Rodnie Delgano, binata, may-ari ng Roman Employment Agency and General Services ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Calamba Doctors Hospital

Kasalukuyan namang pinaghahanap ang suspek na si Czoren Angelo Caraan, 21-anyos, dating empleyado ng biktima na nasibak sa posisyon.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-10:20 ng gabi sa opisina ng biktima sa Brgy. San Cristobal ng lungsod habang inihahanda ng biktima ang nasabing payroll money para sa kaniyang mga empleyado.

Bigla na lamang umanong pumasok ang suspek na armado ng patalim at pinagsasaksak ang biktima, kinuha ang pera at saka mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo na naiwan ang helmet sa pagmamadali.

Nabatid na ang suspek ay nagawang ituro ng biktima sa mga awtoridad bago ito bawian ng buhay.

vuukle comment

BIGLA

BRGY

CALAMBA CITY

CALAMBA CITY POLICE DIRECTOR P

CALAMBA DOCTORS HOSPITAL

CZOREN ANGELO CARAAN

HUWEBES

RODNIE DELGANO

ROMAN EMPLOYMENT AGENCY AND GENERAL SERVICES

SAN CRISTOBAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with