^

Probinsiya

2 katao pisak sa tren

- Francis Elevado at Joy Cantos - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Dalawa katao ang nasawi makaraang aksidenteng masagasaan ng rumaragasang tren ng Philippine National Railways (PNR) sa Zone 5, Brgy. Apali, Ragay, Camarines Sur kahapon ng mada­ling-araw.

Kapwa dead-on-the-spot sa insidente matapos magulungan at makaladkad pa ng tren ang katawan  ng mga biktimang sina Jeffrey Carpo, 22 at Benny Tatodo, 23; pawang residente ng Brgy. Agropacion ng bayang ito.

Batay sa imbestigasyon, sinabi ni Chief Inspector Canuel ng Ragay Municipal Police Station (MPS), naganap ang malagim na sakuna sa nasabing riles ng tren pasado alas-3:30 ng mada­ling-araw.

Pinaniniwalaan namang kapwa lasing ang dalawang biktima ng mapalupasay sa riles at posible rin umanong naidlip kung saan ay hindi na nagawang iwasan ang paparating na killer tren na biyaheng Manila- Naga.

Sa tala ng pulisya, aabot na sa walo katao ang mga nasawi sa loob lamang ng tatlong linggo matapos masagasaan ng tren sa lalawigan ng Camarines Sur.

Magugunita na noong Hunyo 22 ng taong ito ay lima katao na karamihan ay mga estudyante ang nasawi habang pito naman ang na­sugatan  matapos na mahagip ng tren ang sinasakyan ng mga itong tricycle sa riles ng Iriga City ng lalawigan.

Nabatid na kinalampag na rin ng lokal na pamahalaan ang PNR na makipagtulu­ngan sa paglalagay ng mga ‘warning signals’ sa mga ‘railroad crossing’ dahilan sa nakakaalarmang paglobo ng bilang ng mga biktimang nasasagasaan ng tren.

vuukle comment

BENNY TATODO

BRGY

CAMARINES SUR

CHIEF INSPECTOR CANUEL

IRIGA CITY

JEFFREY CARPO

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

RAGAY MUNICIPAL POLICE STATION

TREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with