^

3 holdaper bulagta sa shootout

Nina - Boy Cruz at Joy Cantos (The Philippine Star) - June 24, 2012 - 12:00am

BULACAN , Philippines – Napatay ang tatlong kalalakihan na sinasa­bing notoryus na holdaper matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa madilim na bahagi ng Baranqay Longos sa bayan ng Pulilan, Bulacan kamaka­lawa ng gabi.

Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Fer­nando Mendez Jr., dakong alas-10:05 ng gabi nang masabat ng pinagsanib na tropa nina P/Supt. Edwin Quilates at P/Supt. Camilo Lintao, ang tatlo na lulan ng dalawang motorsiklo.

Bago maganap ang shootout, hinoldap ng tatlo ang tricycle driver na si Joey Malabon, 34, dakong alas-8:45 ng gabi habang ito ay pauwi sa Brgy Peñabatan.

Nagreklamo si Malabon sa pulisya matapos mata­ngay ang kaniyang kuwintas, singsing, relo at pitaka.

Agad namang inilatag ang operasyon kung saan naispatan ang tatlo na lulan ng dalawang motorsiklo na  bumabagtas sa highway pasado alas-10:05 ng gabi.

Gayon pa man, tinangkang parahin ng pulisya ang tatlo subalit sinalubong sila ng sunud-sunod na putok ng baril kung saan nauwi sa engkuwentro.

Tinukoy ang pagkakakilanlan ng tatlo na sina alyas Fernan Gun, Ogie at Ebong habang wala namang namatay o nasugatan sa panig ng pulisya

Narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang tatlong baril, dalawang motorsiklo na kapwa walang plaka at ang mga ninakaw kay Malabon.

BARANQAY LONGOS BRGY PE BULACAN CAMILO LINTAO EDWIN QUILATES FERNAN GUN JOEY MALABON MALABON MENDEZ JR. SENIOR SUPT
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with