^

Probinsiya

Drug pusher na guro timbog

- Raymund Catindig - The Philippine Star

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Nagwakas na ang illegal aktibidades ng isang tiwaling guro matapos itong masakote ng pinagsanib na operatiba ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) habang nagbebenta ng shabu sa kaniyang mga estudyante sa bisinidad ng kanilang paaralan sa Reina Mercedes, Isabela kahapon. Kinilala ni Isabela Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Frank Mabanag ang nasakoteng suspek na si Rachel Malsi, 40 anyos, guro sa Tallungan Elementary School at residente ng Brgy. Labinag Pequeno ng nabanggit na bayan. Ayon sa opisyal nagsagawa sila ng drug bust operation sa loob mismo ng campus ng Tallungan Elementary School matapos na makatanggap ng impormasyon sa kanilang tipster na nagbebenta ng droga partikular na sa kaniyang mga estudyante ang nasabing guro. Sinabi ng opisyal na sa halip na maging modelo ng kabataang mag-aaral sa pagtuturo ng kabutihan ay ang suspek pa ang nagtutulak sa mga ito sa pagkapariwara sa droga. Arestado naman ang suspek habang iniabot sa poseur buyer ng mga awtoridad ang dalawang sachet ng shabu at nabawi rin ang P2,000.00 marked money. Inihayag pa ni Mabanag na nag-positibo rin sa drug test ang suspek na ngayo’y nahaharap sa kasong illegal drug use at trafficking.

vuukle comment

ARESTADO

DIRECTOR P

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FRANK MABANAG

ISABELA PROVINCIAL POLICE OFFICE

LABINAG PEQUENO

RACHEL MALSI

REINA MERCEDES

SR. SUPT

TALLUNGAN ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with