^

Magkaibigan itinumba

Nina - Ed Casulla at Francis Elevado () - June 3, 2012 - 12:00am

CAMARINES SUR, Philippines  - Napaslang ang magkaibigang dumalo sa kapistahan matapos na pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa bus terminal sa bayan ng Ragay, Camarines Sur kamakalawa ng madaling araw.

Walong bala ng cal. 45 pitol ang tumapos sa buhay ni Joel Dulfo, 26, ng Barangay Poblacion Iraya habang anim na bala naman ang tumapos sa buhay ni Jessie Angulo, 29, ng Barangay Amomopoc na kapwa idineklarang patay sa Bicol Medical Center.

Nabatid na naghihintay ng masasakyan sa Raymund Bus Terminal nang lapitan at hablutin ng mga di-kilalang lalaki ang bag ni Angulo subalit nanlaban ito kaya niratrat.

Sumaklolo naman ang kaibigan nitong si Dulfo subalit maging siya ay pinagbabaril. 

Sinamantala naman ang gunmen ang pagka­kagulo ng mga taong nasa bus terminal saka tumakas.

ANGULO BARANGAY AMOMOPOC BARANGAY POBLACION IRAYA BICOL MEDICAL CENTER CAMARINES SUR DULFO JESSIE ANGULO JOEL DULFO NABATID RAYMUND BUS TERMINAL
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with