^

Probinsiya

Lola pisak sa bus

- Ni Boy Cruz -

BULACAN, Philippines  – Dahil sa kakulangan ng traffic enforcer na magpapatupad ng daloy ng trapiko ay isa na namang matandang babae ang iniulat na nasawi matapos mahagip ng pampasaherong bus sa bayan ng Marilao, Bulacan kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Isabelita Peñalosa ng Barangay Tañgos, Navotas City, habang sumuko naman sa pulisya ang drayber na si Joseph Pandac, 47, ng Barangay FVR sa bayan ng Norzagaray, Bulacan. Sa imbestigasyon ni PO2 Marlon Torres, lumilitaw na patungo ang biktima sa Devine Mercy Church sa Brgy. Sta. Rosa 1,Marilao nang mahagip ng Santrans Bus (PWP172) habang tumatawid ito. Sinasabing nakipagkarera ang bus ni Pandac sa isa pang bus kaya nahagip sa kaliwang bahagi ang biktima bago nagulungan.

vuukle comment

BARANGAY TA

BRGY

BULACAN

DEVINE MERCY CHURCH

ISABELITA PE

JOSEPH PANDAC

MARILAO

MARLON TORRES

NAVOTAS CITY

SANTRANS BUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with