^

Probinsiya

Bus vs SUV: 4 utas

- Nina Tony Sandoval at Joy Cantos -

QUEZON, Philippines  – Apat-katao ang kumpirmadong nasawi habang pitong iba pa ang malubhang nasugatan matapos na magbanggaan ang pampasaherong bus at SUV sa Quirino Highway sa Barangay San Francisco, Tagkawayan, Quezon, kamakalawa ng gabi.

Basag ang mga bao ng ulo at grabeng sugat sa katawan ang tinamo ng mga biktimang sina Arnel Repol, 37, driver; Ariane Repol, 21; Harold Repol, 15; at isang hindi pa nakikilalang babae na pawang nakatira sa bayan ng Cabuyao, Laguna.

Ginagamot naman sa Tagkawayan District Hospital ang mga sugatang pasahero ng RORO Bus Line na sina  Lucita Favor, 59; Tristan Jay Salvacion, 21; Ana Saldevar, 42; Kathleen Agarao, 22, teacher; Kim Carl Roxas, 5; Rose Marie Amante, 45; at si Violenia Suroten, 55, pawang nakatira naman sa Quezon City.

Lumilitaw sa imbestigasyon nina PO2 Nestor de la Peña at PO1 Ronaldo Dionido, patungo sa Cubao ang aircon bus (TXV921) ni Reinar Mabuti ng Masbate nang makasalubong ang Ford Everest (ZAH 229) pagsapit sa kurbada ng kalye.

Dahil sa kapwa mabilis ang takbo ng dalawang sasakyan ay hindi na nagawang makaiwas ang isa’t isa kaya nag-head-on-collision kung saan apat ang sinalubong ni kamatayan.

Kasalukuyang nasa kustodya ng Tagkawayan PNP ang driver ng bus.

vuukle comment

ANA SALDEVAR

ARIANE REPOL

ARNEL REPOL

BARANGAY SAN FRANCISCO

BUS LINE

FORD EVEREST

HAROLD REPOL

KATHLEEN AGARAO

KIM CARL ROXAS

LUCITA FAVOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with