^

Probinsiya

Mangingisda ginilitan ng magsasaka

- Ni Tony Sandoval -

QUEZON, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 34-anyos na mangingisda matapos saksakin at gilitan ng nakaalitang magsasaka sa Barangay 5 Poblacion sa bayan ng Quezon, Quezon kamakalawa ng hapon.

Patay agad sa crime scene ang biktimang si Rosaleo Doctor habang naaresto naman ang suspek na si Arnel Llaneta, 37, kapwa nakatira sa nasa­bing barangay.

Sa imbestigasyon nina PO2 Kendrick Rey Pumarada at PO1 Lloyd Fortunado, mahimbing na natutulog ang biktima sa kubo nang pasukin at saksakin ng suspek.

Hindi pa nasiyahan ay mistulang manok pa itong hinawakan sa buhok saka ginilitan.

Tatakas sana ang suspek subalit namataan ito ng taumbayan kaya pinagtulu­ngan itong arestuhin. Luma­labas sa imbestigas­yon ng pulisya na may matagal nang alitan ang dalawa na kapwa nagbabantaan.

vuukle comment

ARNEL LLANETA

KENDRICK REY PUMARADA

LLOYD FORTUNADO

LUMA

PATAY

QUEZON

ROSALEO DOCTOR

SHY

SUSPEK

TATAKAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with