^

Probinsiya

Bata nilamon ng ilog

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang 12-anyos na lalaki ang iniulat na nasawi habang nakaligtas naman ang kaibigan nito matapos tangayin ng malakas na agos sa ilog sa bayan ng Liloan, Cebu noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Daryl Yuson  at ang nai­ligtas naman ay si Nestor Jocutmaya.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-3 ng hapon noong Huwebes nang tuma­wid sa ilog ang magkaibigan sa Barangay Cabadiangan.

Nabatid na ang mga bata ay nagprapraktis ng sayaw sa Barangay Muyao­ nang maisipang magtungo sa ilog sa kanugnog na barangay para ma­nguha ng kawayan na ga­gamitin sanang drummers sa kanilang paglahok sa Rosquillos Festival ngayon.

Ayon sa imbestiga­syon, sina Yuson at Jocutmaya ay lumangoy sa ilog habang nasa pampang naman ang kanilang mga kasamahan.

Dito na tinangay ng agos at nilamon ang biktima kung saan nagawa namang mailigtas ng kanilang mga kasamahan si Jocutmaya.

Ang bangkay ni Yuson ay narekober naman noong Biyernes matapos lumutang sa ilog.

vuukle comment

AYON

BARANGAY CABADIANGAN

BARANGAY MUYAO

CAMP CRAME

DARYL YUSON

HUWEBES

JOCUTMAYA

NESTOR JOCUTMAYA

ROSQUILLOS FESTIVAL

YUSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with