^

Probinsiya

Jeepney sumalpok 15; sugatan

- Ni Tony Sandoval -

LUCENA CITY, Philippines – Labinglima katao kabilang ang isang doktor at tatlong bata ang nasugatan makaraang aksidenteng sumalpok sa puno ng niyog ang sinasakyan ng mga itong pampasaherong jeepney sa bayan ng Sampaloc, Quezon kamakalawa.Kasalukuyang nilalapatan ng lunas ngayon sa  pinakamalapit na pagamutan ang mga biktimang sina  Dr. Jesus M. Calayan, Jennifer Salayo 6, Carl Lawrence Madrigal,10; Amica Velasco, 3; Betty Bien; Angelica Felismino, 15; Marjorie Florido, 34; Aileen Aranillo, Dorabhel Salayo, Grace Madrigal, Chona Anareta, Rodolfo Leonido, Maribelle Aranillo, Joy Velasco  at driver na si John Nilmar Rejano. Sa imbestigasyon ni PO2 Silvestre Araja, naganap ang insidente sa kahabaan ng Quezon Avenue, Brgy. Bayongon, Sampaloc, Quezon dakong ala-1:35 ng madaling araw. Kasalukuyang bumabagtas sa lugar ang pampasaherong jeepney (DWR -564) na minamaneho ni Rejano patungo sa kabayanan ng Sampaloc nang mangyari ang sakuna. Nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver matapos na masiraan ang preno ng jeepney na naisalpok nito sa puno na ikinasugat ng mga biktima na mabilis namang isinugod sa pagamutan.

vuukle comment

AILEEN ARANILLO

AMICA VELASCO

ANGELICA FELISMINO

BETTY BIEN

CARL LAWRENCE MADRIGAL

CHONA ANARETA

DORABHEL SALAYO

DR. JESUS M

GRACE MADRIGAL

JENNIFER SALAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with