^

Probinsiya

Jeepney nabagsakan ng puno, 2 dedo

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang nasawi habang anim pa ang nasugatan makaraang mabagsakan ng puno sanhi ng malakas na ihip ng hangin ang isang pampasaherong jeepney sa Antipolo City nitong Miyerkules ng hapon.

Sinabi ni PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) Director P/ Chief Supt. Leo­nardo Espina, binawian  ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Antipolo Community Hospital ang dalawang babaeng biktima, isa rito ay kinilalang si April Carranto, 20-anyos.

Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga sugatang  sina Lorna Rodriquez, 47; Cynthia Emplamado, 41; Eduardo  Cahilig, 61; Lucila  Cahilig, 48; Mark Anthony  Pelayo, 16 at  Alex Vio.

Base sa imbestigasyon, sinabi ni Espina, dakong alas-2 ng hapon habang bumabagtas ang pampasaherong jeepney (NTM-206 ) na minamaneho ni Ricardo Reillo, 42 sa kahabaan ng Sumulong Highway, Brgy. de la Paz patungo sa Masinag Junction ng lungsod nang maganap ang insidente.

Gayunman ay biglang humangin ng malakas kung saan ilang puno ang nabuwal sa tabi ng kalsada at isa rito ay tumama sa bumabagtas na pampasaherong jeepney na ikinasawi at ikinasugat ng mga biktima.

vuukle comment

ALEX VIO

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO COMMUNITY HOSPITAL

APRIL CARRANTO

CAHILIG

CHIEF SUPT

CYNTHIA EMPLAMADO

DIRECTOR P

ESPINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with