Biyenan inutas ng manugang

TUGUEGARAO CITY, Philippines  – Isang 54-anyos na lalaki ang iniulat na nasawi matapos saksakin ng kanyang biyenan sa Barangay Magsaysay sa bayan ng Naguilian, Isabela kamakalawa ng madaling araw. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Alfredo Vergara Jr., magsasaka, habang kritikal naman ang bayaw na si Alfredo Vergara III. Samantala, nasakote naman ang suspek na si Reydolito Agloot, 26, trike driver. Base sa police report, umuwi ang suspek na lango sa alak at gutom nang salubungin ng biyanang lalaki. Sa halip na pagkain, matatalim na salita ang inihain ng biyenan kung saan nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa masaksak at mapatay nito ang biktima.

Show comments