^

Probinsiya

Mag-ama dedo sa road mishap

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NORTE, Philippines  – Kalunos-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang mag-ama makaraang aksidenteng mabangga ng trailer truck ang sinasakyan ng mga itong motorsiklo sa highway ng Sitio Sampalok, Brgy. Banga Caves, Ragay, Camarines Sur kamakalawa ng umaga.

Sa lakas ng pagkaka­bangga ay tumilapon ang napugot na ulo ng driver ng motorsiklo na si Arjay Fuentes, 24 habang dead -on-arrival naman sa Ragay District Hospital ang kaniyang amang si Elmer na backrider nito.

Ayon sa pulisya, dakong alas-5 ng umaga habang binabagtas ng mag-ama na lulan ng kanilang motorsiklo ang pakurbadang daan ng mabangga ang mga ito ng trailer truck.

Ang mag-ama ay nagtamo ng grabeng pinsala sa katawan na siyang kumitil sa buhay ng mga ito.

Bagsak kalaboso naman sa Ragay Police Station ang driver ng truck na si Romeo Calinggiran.

vuukle comment

ARJAY FUENTES

AYON

BAGSAK

BANGA CAVES

BRGY

CAMARINES SUR

RAGAY DISTRICT HOSPITAL

RAGAY POLICE STATION

ROMEO CALINGGIRAN

SITIO SAMPALOK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with