^

Trader nag-suicide

- Ni Mer Layson () - May 19, 2012 - 12:00am

RIZAL, Philippines  – Pinaniniwalaang matinding problema sa pananalapi ang nagtulak sa isang negosyante matapos itong magpatiwakal sa pamamagitan ng pagbaril ng shotgun sa bibig sa isang pabrika sa bayan ng Cainta kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot sa insidente ang biktimang si Emerson Jose Bayan, 39, tagapangasiwa ng Miracle Candle Factory Inc., na matatagpuan sa 29 Fabian St., Robles Subdivision, Brgy. San Juan, Cainta, Rizal bunsod nang tinamong isang tama ng bala sa bibig.

 Sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Auggie Bidauure, bandang alas-6:45 ng umaga kahapon ng magtungo ang biktima sa kanilang pabrika ng kandila at tinanong ang sekyu na si Ariel Baga, stay-in dito kung gumagana pa ang kaniyang service firearm na nakasabit sa kahoy.

Kasalukuyang nagbibihis ang sekyu ng biglang uma­lingawngaw ang malakas na putok ng baril at laking gulat ng makitang nakabulagta ang biktima na nagbaril sa bibig ng shotgun.

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung walang foul play sa kaso.

ARIEL BAGA AUGGIE BIDAUURE BRGY CAINTA EMERSON JOSE BAYAN FABIAN ST. INIIMBESTIGAHAN MIRACLE CANDLE FACTORY INC ROBLES SUBDIVISION SAN JUAN
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with