^

Probinsiya

Kampo ng Cafgu sinunog

- Ni Raymund Catindig -

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Sinalakay at sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army ang detachment ng Citizen’s Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) sa bahaging liblib na Barangay Masi sa bayan ng Rizal, Cagayan kamakalawa. Bagamat naabo ang buong kampo, sinabi ni Capt. Ramon Padre, tagapagsalita ng 502nd Army Brigade na wala namang nasugatan o nalagas sa panig ng pamahalaan sa­pagkat walang naabutan ang mga umatakeng rebelde. Ayon kay Padre, nauna nang umalis ang mga sundalo matapos lumipat sa itinayong bagong kampo. Base sa tala, inambus at napatay ng mga rebelde ang limang pulis noong Pebrero 2011 sa bayan ng Rizal. Samantala, noong Abril 2012 naman ay ni-raid ng mga rebelde ang presinto ng pulisya sa bayan ng Allacapan, Cagayan kung saan dinisarmahan ang walong pulis.

vuukle comment

ABRIL

ALLACAPAN

ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

ARMY BRIGADE

AYON

BAGAMAT

BARANGAY MASI

NEW PEOPLE

RAMON PADRE

RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with