^

Probinsiya

2 akyat-bahay arestado

- Ni Boy Cruz -

BULACAN ,Philippines  – Kalaboso ang dalawang miyembro ng Akyat-Bahay Gang matapos maaresto ng pulisya sa inilatag na checkpoint sa Sitio Tabtab, Barangay Poblacion sa bayan ng Norzagaray, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Ruben Esquivel Jr., 38; at Antonio Castillo, 32, kapwa nakatira sa Barangay Poblacion. Base sa ulat ni P/Supt. Miguel Atienza, ang da­lawa ay inireklamo ni Victoria Dela Cruz ng pagnanakaw ng P.5 milyong halaga ng ari-arian. Nakorner sa checkpoint ang mga suspek na lulan ng Mitsubishi L-300 van (ULY-4442) kung saan tumutugma sa impormasyong nakalap ng pulisya sa biktima. Narekober sa mga suspek ang mga mamahaling gamit, cash at baril na pag-aari ng biktima.

AKYAT-BAHAY GANG

ANTONIO CASTILLO

BARANGAY POBLACION

BULACAN

KALABOSO

MIGUEL ATIENZA

MITSUBISHI L

NAKORNER

RUBEN ESQUIVEL JR.

SITIO TABTAB

VICTORIA DELA CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with