^

Probinsiya

Bunso tinodas ni kuya

- Ni Raymund Catindig -

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Pinaniniwalaang matinding selos ang isa sa motibo kaya sinaksak at napatay ang 39-anyos na lalaki ng kanyang utol sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Malasin sa bayan ng Burgos, Isabela kamakalawa. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Apolonio Romero samantala, sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Benito Romero, 59. Nabatid na nagkainitan ang magkapatid na magkasamang nakikipag-inuman ng alak kung saan sinasabing selos ang isa sa motibo. Sa pag-aakalang nagkaayos na sila ng kuya, ipinasya ng nakababatang biktima na palipasin ang kanilang sama ng loob. Tiyenempuhan ng suspek na natutulog ang kanyang utol saka isinagawa ang krimen. Sumuko sa mga opisyal ng barangay ang suspek at nang mahimasmasan ay abot-langit ang pagsisisi nito sa nagawa sa sariling kapatid.

vuukle comment

APOLONIO ROMERO

BARANGAY MALASIN

BENITO ROMERO

BURGOS

ISABELA

NABATID

NAPURUHAN

PINANINIWALAANG

SUMUKO

TIYENEMPUHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with