^

Probinsiya

Cafgu tinodas sa kampo

- Ni Raymund Catindig -

TUGUEGARAO CITY , Philippines  - Pinaniniwalaang selos ang isa sa motibo kaya niratrat at napatay ang 24-anyos na miyembro ng Citizen’s Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) ng kanyang kabaro sa loob ng kampo sa Barangay Dyetban, San Guillermo, Isabela noong Linggo ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Reynaldo Castañeda ng Barangay Dipacamo sa nasabing bayan. Lumilitaw na ti­yempuhang natutulog ang biktima sa barracks nang pasukin at pagbabarilin ng suspek na si Wilfredo Mondejar, 42, ng Barangay Colorado. Sinasabing inubos ng suspek ang bala ng kanyang M14 Armalite Rifle sa katawan ng biktima na hindi na nagising. Sumuko naman ang suspek sa kanilang commanding officer na si S/Sgt. Ernesto Bayan matapos ang pamamaril.

vuukle comment

ARMALITE RIFLE

ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

BARANGAY COLORADO

BARANGAY DIPACAMO

BARANGAY DYETBAN

CAFGU

ERNESTO BAYAN

REYNALDO CASTA

SAN GUILLERMO

WILFREDO MONDEJAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with