15-anyos inutas dahil sa cellphone

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Niratrat at napatay ang 15-anyos na lalaki ng kanyang pinsan matapos pagbinta­ngang nagnakaw ng cellphone sa Barangay Madupayas sa bayan ng Badoc, Ilocos Norte kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Insp. Laurel Gayya ang biktima na si Raymart delos Santos habang nakatakas naman ang suspek na si Charles Almazan, 34, kapwa ­nakatira sa nabanggit na barangay.

Nabatid na nagbanta ang suspek sa kanyang pinsan na papatayin ito kapag hindi ilalabas ang kanyang nawawalang cellphone. Bina­lewala naman ng biktima ang pagbabanta ng suspek saka natulog sa kanyang kuwarto. Dito na pinasok ng suspek ang natutulog na biktima saka pinagbabaril gamit ang cal. 30 Carbine.

Show comments