^

Probinsiya

Driver utas, trader sugatan sa holdaper

- Ni Christian Ryan Sta. Ana -

TALAVERA, Nueva Ecija, Philippines – Patay ang isang 49-anyos na family driver habang sugatan naman ang amo nitong negosyanteng babae nang paulanan ng bala ng mga humahabol na holdaper sa kahabaan ng provincial road, Brgy. Homestead II, ng bayang ito, kamakalawa ng mada­ling araw.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Rufino Patricio Valdez ng Brgy. Bagong Sikat, Tala­vera, Nueva Ecija, habang isinugod naman sa Nueva Ecija Doctors Hospital ang sugatang biktima na si Evelyn del Rosario, 56, may-asawa, mini grocery owner, ng Brgy. Bagong Sikat, Talavera.

Nabatid kay P/Supt. Wilfredo Paulo, hepe ng Talavera Police, patungo sa Talavera Public Market ang dalawang biktima, sakay ng tricycle (OJ-4269), dakong alas-3:30 ng madaling araw nang bigla umano silang harangin ng dalawang holdaper sa madilim na bahagi ng nasabing lugar.

Nilusutan umano ng dalawang biktima ang dalawang armadong lalaki sa pamamagitan ng pagpapatakbo nang matulin sa tricycle ngunit agad silang hinabol ng mga ito at pinagbabaril.

Minalas namang masapul ng tama ng bala ang driver na siya nitong ikinasawi habang sugatang isinugod sa pagamutan ang ginang. ­

vuukle comment

BAGONG SIKAT

BRGY

EVELYN

KINILALA

NUEVA ECIJA

NUEVA ECIJA DOCTORS HOSPITAL

RUFINO PATRICIO VALDEZ

TALAVERA POLICE

TALAVERA PUBLIC MARKET

WILFREDO PAULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with