^

Probinsiya

Trader tinodas ng magka-live-in

- Ni Tony Sandoval -

QUEZON, Philippines - Nagmistulang tinadtad na karne ng hayop ang katawan ng 58-anyos na may-ari ng tindahan matapos na pagtatagain at barilin pa ng kanyang kapitbahay na magka-live-in sa Brgy. Sta. Lucia, sa bayan ng Dolores, Quezon kamakalawa ng hapon. Agad namatay sa pinangyarihan ng krimen ang biktimang si Cesar Bulictin habang naaresto naman ang mga suspek na sina Santos General, 57; at Flory Baldeo, 50.

Ayon kay PO2 Raymund Tan Ramos, naglalakad sa tabi ng tindahan si General nang lapitan at suntukin ng biktima.

Kaagad naman dumating ang ka-live-in ni General na si Flory na armado ng shot gun at binaril ang biktima na sa kabutihang palad ay hindi tinamaan.

Tinangkang agawin ng biktima ang baril sa babae subalit agad siyang inundayan ng saksak ng gulok ni General at sumunod na rin barilin ng babae.

Hindi pa nakuntento ang dalawa ay binoga ng shotgun kung saan bulagta ang biktima.

vuukle comment

AYON

BRGY

CESAR BULICTIN

FLORY BALDEO

KAAGAD

NAGMISTULANG

QUEZON

RAYMUND TAN RAMOS

SANTOS GENERAL

TINANGKANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with