^

Probinsiya

Sekyu sa DFA-7 dakma sa extortion

- Ni Freeman News Service -

CEBU CITY, Philippines  – Nagwakas ang modus operandi ng 35-anyos na security guard na nakatalaga sa Department of Foreign Affairs-7 sa Mandaue City matapos maaresto ng pulisya sa inilatag na entrapment operation noong Huwebes ng gabi sa kasong pangingikil at pagnanakaw ng pasaporte.

Pormal na kinasuhan ang suspek na si Arnold Pepito, may asawa at nakatira sa Barangay Alang-Alang sa Mandaue City, at kawani ng N.C. Lanting Security Agency.

Base sa police report, si Stephani Lobiano, 27, asawa ng Koreano ay nagtungo sa DFA officials upang beripikahin ang kanyang passport kung orihinal o peke.

Si Lobiano ay kinausap ng suspek para mapabilis ang pagpapalabas ng kanyang pasaporte sa halagang P1,500.

Ayon sa hepe ng pulisya na si P/Senior Insp. Wilson Abot, nagagawang maipuslit ng suspek ang ilang passport at nagbibigay sa may-ari kahit na wala sa panahon na mai-release sa nasabing ahensya.

Dahil sa impormasyong nakuha ni DFA-7 director Elias Balawag mula kay Lobiano, kaagad na na­kipag-ugnayan kay MCPO director P/Senior Supt. Noel Gillamac kung saan inilatag ang entrapment operation.

Naaresto ang suspek sa loob ng grocery area kung saan nasa ground floor ang opisina ng DFA habang tinatanggap ang P3,000 kapalit ng dalawang pasaporte ni Lobiano at sa kanyang anak.

vuukle comment

ARNOLD PEPITO

BARANGAY ALANG-ALANG

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELIAS BALAWAG

LANTING SECURITY AGENCY

LOBIANO

MANDAUE CITY

NOEL GILLAMAC

SENIOR INSP

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with