^

Probinsiya

3 pulis, 1 pa sugatan sa granada

- Ni Raymund Catindig -

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Tatlong pulis ang iniulat na nasugatan matapos su­mabog ang granada na hawak ng isang wanted na kanilang dadakpin sa Barangay Centro West, Santiago City, Isabela kamakalawa.

Kinilala ang mga sugatan na sina SPO1 Roland Tangan, PO3 Nestor Garabillo, PO2 Rodrigo Salviejo at ang suspek na si Mark Gregory Santiago. 

Nabatid na pinuntahan ng tatalong pulis ang bahay ni Santiago upang isilbi ang warrant of arrest sa kasong panghoholdap at pagpatay sa isang pulis sa Santiago City noong Abril.

Subalit sa halip na sumama ng maayos ay inakbayan nito ang isa sa tatlong pulis at sabay na inilabas ang granada para panakot sa gagawing hostage-drama.

Dito na kinuyog ng tatlong pulis si Santiago kung saan sumabog ang granada matapos na mabitiwan nito.

Nabatid na si Santiago ay akusado sa panghoholdap at pagpatay sa retiradong pulis na si SPO2 Johnny Naval sa bahagi ng Barangay Baluarte sa Santiago City noong Bi­yernes (Abril 20).

Si Naval ay sinasa­bing­ nagnenegosyo ng isda sa palengke sa bayan ng Aglipay, Quirino.

vuukle comment

ABRIL

BARANGAY BALUARTE

BARANGAY CENTRO WEST

JOHNNY NAVAL

MARK GREGORY SANTIAGO

NABATID

NESTOR GARABILLO

RODRIGO SALVIEJO

ROLAND TANGAN

SANTIAGO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with