^

Probinsiya

Nene dedo sa paltik ng ama

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sabog ang dibdib ng 6-anyos na batang babae matapos na aksidenteng mabaril ng sariling ama habang naglilinis ng baril sa Butuan City, Agusan del Norte kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Butuan City Medical Center ang biktimang si Rosebee Abina ng Purok 3, Barangay Maibu sa nabanggit na lungsod.

Sumuko naman sa himpilan ng pulisya at ngayon ay nahaharap sa kasong parricide ang suspek na si Roger Abina, 30.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente sa loob ng tahanan ng pamilya Abina.

Lumilitaw na nililinis ng suspek ang kaniyang cal. 38 paltik na baril habang nanonood ang bata ng aksidente itong pumutok.

Sapol sa dibdib ang bata kung saan naisugod pa ito sa ospital subalit namatay dakong alas-11 ng gabi.

vuukle comment

ABINA

AGUSAN

BARANGAY MAIBU

BINAWIAN

BUTUAN CITY

BUTUAN CITY MEDICAL CENTER

CAMP CRAME

LUMILITAW

ROGER ABINA

ROSEBEE ABINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with