^

Probinsiya

Mag-utol nagpatayan sa minanang lupa

- Ni Ed Casulla -

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines  - Dahil sa alitan na lupaing minana mula sa kanilang mga magulang, pinagsasaksak hanggang mapatay ang 47-anyos ng kanyang mag-utol at pinsan sa Barangay San Sebastian, Sta. Magdalena, Sorsogon kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa dibdib si Jovencio Garbin habang nasakote naman ang mga suspek na sina Teotimo Garbin, 56; Vicente Garbin, at ang pinsan na si Ricky Gardon. Naganap ang krimen sa bahay ng biktima habang ito ay nagpapahinga nang dumating ang mga suspek. Sinasabing nauwi sa matinding pagtatalo ang paliwanagan kaugnay sa lupaing minana sa kanilang mga magulang kung saan napatay ang biktima.

ALBAY BARANGAY SAN SEBASTIAN DAHIL JOVENCIO GARBIN MAGDALENA NAGANAP NAPURUHAN RICKY GARDON TEOTIMO GARBIN VICENTE GARBIN
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with